Wednesday 5 June 2013

First day of hell aka School

Okay,dahil first day maaga ako gumising 4:00 syempre para maiwasan na din ang malate.Kumain,naligo,nagsipilyo at nagbihis ginawa ko to ng mabilis pero wala padin talaga sadyang mabagal ako kumilos.Tapos mga 5:30 na ako nakaalis ng bahay,Nakakainis akala ko malalate ako,tae ang hirap kasi mag-abang ng bus pero buti na lang may dumaan na fx kaya sumakay na ako.Pagdating sa school hindi ko naitago yung nail art ko sa kuko,kalalagay lang kasi nun nung nagpunta kami sa bloggers united eh sayang naman kung tatanggalin agad... kaya sabi nung lady guard "old student ka na pero  ganyan ka pa burahin mo muna yan bago pumasok blah blah blah"So eto naman ako takbo sa 7/11 kaso sayang effort walang acetone,lechugas kung makikita mo lang ako nun haggardo bersoza na.Edi no choice na,baka sayang din effort pumunta sa tindahan kasi 5 minutes na lang time na.Kaya isip-isp,ayun bigla na lang sumindi yung bumbilya sa ulo ko at naisip ko bakit nga ba hindi na lang ako dumaan ng gate 2,tanggalin ko na lang yung id ko at ilabas yung eaf at yun ang ipangtakip sa kuko ko.Then,bongga ng plano ko nakapasok na ako.Di pa nagtatapos dyan as in sobrang nagpaltos yung paa ko dahil sa sapatos ko,habang naglalakad parang minumura na ako ng mga daliri ko sa paa.Ganito talaga ata first day ko laging may history.Tapos ayun,pumasok na yung mga teachers isa-isa sa bawat subject at time nila.Kabado nga ako nung unang pasok ng strict na teacher namin sa sociology first period eh.Dami ko ata na classmate nagayon na alam mo na 'makakati' hahaha de joke,pero half sa classmate ko naging blockmate ko na nung first sem kaya keri na din.Edi ayun ang walang kamatayang pag iintroduce ng sarili mo sa harapan.Tapos boring na yung mga sunod na kaganapan.Uhm,ansaya pala ng french class namin doon lang ako nagenjoy!Sige eto mga natutunan ko,"Bonjour! Je ' m' appelle Morela, Tu t' apelles comment?".Oh diba taray!Pagkatapos ng dissmisal dirteso Sm Manila agad kami aba nalalanta na kami sa gutom,tapos nun ikot ng konti sa National Bookstore then umuwi na dami kasing tao.Paguwi ko ng bahay uminom agad ako ng gatas at natulog agad ako, mga quarter to 5 nako nagising.Tapos naghapunan at natulog ulit.So that was my first day!

Just an average school day!

image

♡ ♡ ♡ ♡ ♡
-M xx

1 comment:

  1. the usual aca-awkward moments you've always experienced twing first day ng school. Hayy buti si Morela ka! congratulations youre a Survivor! >:)

    ReplyDelete