Tuesday 28 June 2016

Self Confidence where art thou?

Nung nag paulan yata si Lord ng self confidence eh nag hihibernate ako. At nagising lang  nung nag paulan na ng mga low self esteem. Haaay, jusko nasalo ko naman lahat!! Bakit ba ganito feel ko ako yung pinaka walang kwentang tao.Palpak sa lahat ng bagay na gawin. Hindi na nga kagandahan, hindi pa karunungan. Eto dyan ako magaling, yung lalong idown yung sarili ko. Nakakasawa na rin sa totoo lang yung ganito. Yung tipong takot kang kumilos dahil takot kang magkamali. Yung lagi mong naikukumpara yung sarili mo sa iba na buti pa sila ganito samantalang ikaw mukang tanga lang. Ang hirap pa pakiramdam ko hindi ko kayang gawin yung mga kaya nila. Kulang na nga sa confidence, kulang pa sa tiwala sa sarili. Nakakagago naman yung ganito, samahan mo pa yung mga walang kakwenta-kwentang negative thoughts na paikot-ikot sa ulo ko. Nakakaasar pa na pag sa ibang tao kaya ko mag tiwala pero sa sarili ko mismo wala akong tiwala. Yung mas mahal ko pa yung ibang tao kesa sa sarili ko. Diba sabi nila kailangan mo muna mahalin yung sarili mo bago ka mag mahal ng ibang tao para yung pag mamahal na ibibigay mo sa taong yun ay buong buo. Kaya rin siguro di pa pinapahintulutan ni Lord na magka-lovelife ako eh dahil sarili ko mismo di ko kayang mahalin, ibang tao pa kaya! Pero paano ba? Paano mo magkaroon ng tiwala sa sarili? ng high self esteem? paano tanggapin yung mga flaws at imperfections mo bilang tao? Paano turuan mo ako????!!! 

Walang kwentang rants!!!

No comments:

Post a Comment