Monday 26 June 2023

 Hi Therd!

Isang araw na ang lumipas simula ng pag uusap natin. Akala ko magiging ayos na ang lahat pag katapos natin mag usap. Muli na naman akong nadurog, ng bitawan mo ang mga salitang " sorry hindi na talaga pwede". Parang ilang ulit na sinaksak yung puso ko ng matatalim na bagay. Sobrang sakit marinig kapag nang-galing mismo sayo. Mas nadurog ako ngayon kaysa sa araw mismo ng maghiwalay tayo. Siguro dahil sa pamamagitan lang ng chat tayo nag hiwalay noon o siguro dahil sa gabing iyon umaasa pa akong magiging ayos tayo. Noong gabi na 'yon hindi ko na iniisip ang sarili ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay sana matutulog akong magkakabalikan tayong dalawa. Kaya halos ibaba ko na yung sarili ko mag kabalikan lang tayo. Nilunok ko ang pride ko at buong pagkatao ko. Wala na akong pakealam kahit magmukha akong tanga at desperada. Hindi ko din alam na hahantong din pala ako sa pag mamakaawa para lang magbalikan tayo. Pero wala, ginawa ko na lahat, hindi na pwedeng maayos. Ayaw mo na din talaga.

Natapos ang pag uusap natin. Nakatulog akong umiiyak. Akala ko tanggap ko na, pero pag gising ko kinabukasan bumalik lahat ng sakit. At natagpuan ko na lang ang sarili ko na kinakausap ka na naman. Nag-mamakaawa sayo na ayusin na natin ang relasyon natin. Sa sobrang pagiging desperada ko, nakuha ko pa sabihin sayo na baka pwede bigyan mo ng oras ang sarili mo mag isip. Isang linggo para mag reflect at evaluate kung aayusin pa natin ito. Makalipas ang isang linggo, sinabi ko na kakamustahin ulit kita para malaman ang iyong kasagutan kung mabibigyan pa tayo ng panibangong pagkakataon. Pumayag ka, sobrang nagalak ako kasi pakiramdam ko may pagkakataon pa ngunit sinabi mo sa akin na ayaw mo naman ako bigyan ng false hope. Hanggang sa natulog ka na din at natapos na ang pag uusap natin. Sana ay iyon na ang huling pag uusap natin. 

Nakapag kwentuhan kami ng kapatid ko. Sya din ay nakipag hiwalay sa karelasyon nya. Hindi ko na ilalahad ang kwento pero sya yung nag bigay inspirasyon sa akin. Sa pitong taon nila, nakaya nya umalis sa relasyon nila. Nakaya nya unahin naman ang sarili nya. 

Narealize ko lang pagod na din pala ako magpakatanga at maging bulag sa taong hindi naman nakikita ang halaga ko. Parang kailangan ko lagi iligtas yung relasyon natin. Nauubos na din ako. Ngayon umiiyak pa din ako tuwing maalala kita, pero nagawa ko ng ihinto ang pag stalk sayo at tumingin ng updates tungkol sayo. Masaya ako kahit paano sa improvement ko. Sana tuloy-tuloy na iyon. Kaya ngayong linggo hindi na kita kakamustahin. Hindi na ako mag tatanong kung anong desisyon mo. Hindi na ako mag memessage sayo. Siguro tama ka din na, mas okay kung maghihiwalay na tayo. Magiging okay din ako at matatanggap ko na. 

PS: Akala ko huling sulat ko na sayo noong isang araw pero heto pa din ako at patuloy na sumusulat sayo. Pasensya na, sana ay hayaan mo na lang muna ako. Hindi mo naman ito mababasa. Gumagaan ang damdamin ko tuwing sinusulat ko ang nasa isip ko.


Friday 9 June 2023

 The only wrong thing I did here is I expected. I expected you to stay. I expected you to be there for me through my best and worst. I expected you to be the hero that would save me from everyone and everything that might hurt me. I held on to you so much thinking that I don't care even if all of them leave me, as long as got you, would be more than fine but then you proved me wrong. And now everything's falling apart and you are nowhere to be found and I am here hurting so much, breaking continuously and left with no choice but to be strong enough and be my own hero.