Sabi nila lahat ng bagay ay nangyayari sa tamang panahon at pag kakataon. Pero paano kung napaka tagal mo ng naghihintay, kasalanan mo ba ang mapagod at mawalan ng pag asa?
Yan ang sitwasyon ko ngayon, akala ko once nakapag internship ako abroad magiging madali na ang lahat. Pero eto ako ngayon 5 months ng walang trabaho since umuwi. Nakakapagod na eh, yung ma-reject sa interview, yung pasado ka na pero after few days wala naman update about your application status, or hired na nga pero may conflict naman with location and schedule. Nakakapagod na mag apply sa totoo lang, ang tagal ko ng pinag dadasal na sana ibigay na sakin ni Lord yung work na mag gogrow ako at naaayon sa skills ko. Pero wala pa din, hanggang kelan kaya ako maghihintay?